Sunday, July 17, 2005

the real world

The humid air.

The chaos surrounding.

Are you aware of the misfortunes that may befall you?

When going into the unknown world.

The world of...

everyday commuting.

Akala mo kung ano noh?

Pero sa totoo lang, I've already had my fair share of the hazards of daily commuting.

From the manyakis to the bulldozers.

From the makukulit na mga bata to the makukulit na mga matanda.

Kawindang mag-commute sa araw-araw.

I study at Quezon City Science High School and I live in Rodriguez (Montalban), Rizal.
I have more or less an hour of travel time. The hard thing about my travel is the limited vehicular support (ano raw?!)

Ang hirap mag-Ingles ah..

Kasi ganito yan, sa aming lugar, maraming jeep na pumapasada patungo roon. Kaya lang ang terminal ng mga jeepneyay sa Commonwealth Market pa. Eh kung galing akong North EDSA tas pupunta pa akong Commonwealth, sayang ang pamasahe.Kaya dun ako sa bus. Kaya lang 3 lang ata ang bus na bumabiyahe patungo sa amin. At may oras pa un. Most of the time ganito ang sked niya sa PM: 4:00, 5:00, 6:00, 7:00 and 8:00. Minsan meron pang later diyan. So dapat maaga ako umuwi, lalo na gitgitan ang pagsakay sa bus.
Nung isang araw lang sa linggong kalilipas, sumakay ako sa bus (as usual). Actually ayoko dun sa puwesto sa tabi ng aisle ng bus.Kasi kapag standing ovation ng ang bus, nakadikit sila sa akin (mga mamang kadire. minsan dinidikit nila pwet nila sa akin. yakk.)Pero ng araw na ito, I had the misfortune of sitting beside two women, presumably mag-ina, dun pa ako sa may aisle. No choice na eh.Yung pinakamatanda nandun sa may window. Sa gitna itong huge woman na ito. At sa dulo ay ang payatot na si yours truly.Biro mo ba naman, kalahati na lang nga nung pwet ko yung nandun sa seat, kapag lumiko pa ang bus eh dumidikit pa sa akin si huge woman. Walanjo naman oh. Sobrang hulog na ako ihuhulog pa. Kaya titingnan ko siya ng masama. Mataray ako eh. hehe. Tas titingin siya sa direksyon ko. Eh mainit na ulo ko. Tinititigan ko nga. Nasisindak. Ahahaha. Feeling ko nga mukha akong sinasapian eh./ Baka tumirik na ang mata ko sa galit. Buti na lang magaling ang nanay kong magpakalma. Sabi niya inggit lang sa akin ang aleng yun dahil sexy ako siya tabachingching. No offense sa mga healthy or chubby. Walanghiya lang kasi talaga yung ugali nung babaeng un. As in.
Minsan naman sabay kami ng nanay ko umuwi. Mula sa Commonwealth Market. Ang jeep ng pang disi-sais lang nagiging pang beinte. Ewan ko nga kung ang mga pinasasakay nila eh hindi kumakain at napagkakasya nila. May style pa mga tsuper. yung biglang brake para tumalsik kayo lahat patungo sa direksyon ng harapan ng jeep tapos sabay-sabay babalik yung mga pwet niyo sa tamang posisyon sa upuan. Comedy. So sa siksikang yun, mei mama. oo yung kadireng mama. Basta ang ending ay pinauna akong bumaba ng nanay ko kesa sa kanya. At ang mamang manyak na ito ay caught in the act na nag-aatempt na chumansing sa pwet ko. YUCKY TALAGA TO THE NTH LEVEL!! kadirdirrrr. sana masunog sa impiyerno mga kadirdir na taong ganyan. Ano ba nakukuha nila sa ganyan?! yucky talaga.
Minsan naman yung mga walang ethics sa commuting. Kapag kami sumakay dumidiretso kami dun sa pinakamalapit na puwesto sa driver para iabot ng maayos ang aming pamasahe habang maluwang ang sasakyan. Minsan sumakay kami sa jeep tas may sumakay after namin na aleng kasama ang kanyang anak. Sa malapit lang siya bababa at hindi niya kaagad inabot ang pamasahe niya sa driver. Itinutok ba naman niya ang pamasahe niya sa akin at sabi, "Bayad ko oh" Tiningnan ko siya incredulously. Walanjo. Wat da?! Sa isip ko, mukha ba akong konduktora? Pero kidding aside, tama ba ginawa niya? Of course hindi. Tinitigan ko lang siya disbelievingly tapos iniwan niya yung pamasahe niya dun sa seat. Sabi niya iaabot din nila yan. Pag baba niya sinigawan siya ng nanay ko. "Walang breeding. Ale bakit hindi ka nagbayad dun sa driver? Tumingin ka rito! Naaalala ko yang mukha mo!! Kasama mo pa naman ang anak mo! Ano yang pinakikita mo?!" Wahehehe.Takot siya. Ambilis niya maglakad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home